Toronto District School Board
Toronto District School Board

Special Education

Espesyal na Edukasyon

Ang pagpoprograma ng Espesyal na Edukasyon ay tumutulong sa lahat ng mga mag-aaral upang abutin ang kanilang buong potensyal. Ang aming mga paaralan ay nag-aalok ng malawak na hanay ng mga suporta at serbisyo para sa mga mag-aaral at ang kanilang mga pamilya.

 Kami ay nakatuon sa pagtitiyak na:

  • Lahat ng mga mag-aaral na may hindi karaniwang katangian ay tinatanggap, sinasama at suportado sa aming mga paaralan
  • May masinsinang mga programa at suporta para sa mga mag-aaral na may mga hindi karaniwang katangian at mga pangangailangan na magagamit sa mga site sa buong TDSB
  • Ang mabisang pakikipagtulungan at paglulutas ng problema sa pagitan ng mga kawani, mga magulang at mga mag-aaral ay isang priyoridad
  • Ang aming mga kagamitan ay ganap na magagamit ng mga mag-aaral, pamilya, mga kawani at komunidad kailanman posible
  • Ang pananaliksik at epektibong kasanayan ay isang gabay sa aming mga pagsisikap upang  mapagsilbihan ng mas mahusay ang aming mga mag-aaral

Ulat ng Espesyal na Edukasyon

Bawat taon, sinusuri at binabago namin ang aming mga Ulat ng Espesyal na Edukasyon upang makatiyak na kami ay patuloy tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral. Ang prosesong ito ay nagbibigay-daan sa amin upang repasuhin ang kasalukuyang mga kasanayan at bumuo ng mahalagang mga pakikipagtulungan na may mga suporta ng komunidad.

Ang Parents’ Guide to Special Education (Gabay ng Mga Magulang sa Espesyal na Edukasyon) ay idinisenyo upang bigyan kayo ng impormasyon tungkol sa proseso ng Special Education Program Recommendation Committee (SEPRC) [Komite ng Rekomendasyon ng Programang Espesyal na Edukasyon], ang proseso ng Identification, Placement at Review Committee (IPRC) [Komite ng Pagpapakilanlan, Pagkakalagay, at Pagrerepaso], at  itakda ang mga pamamaraan na kasangkot sa pagkilala at paglalagay ng mag-aaral na may hindi karaniwang katangian.

 

© 2014 Toronto District School Board  |  Terms of Use  |  CASL