Toronto District School Board
Toronto District School Board

Kindergarten Registration

Pagrerehistro sa Kindergarten

Junior Kindergarten

Kung ang inyong anak ay magiging apat na taong gulang sa Disyembre 31, 2014, siya ay maaaring mag-umpisa sa Diyunyor Kindergarten sa Setyembre 2014.

Senior Kindergarten

Kung ang inyong anak ay magiging limang taong gulang sa Disyembre 31, 2014, siya ay maaaring mag-umpisa sa Senior Kindergarten sa Setyembre 2014.

Paano Magparehistro

Ang pagpaparehistro para sa lahat ng mga programa ng Kindergarten ng TDSB ay nagsisimula sa Pebrero. Inaabangan namin ang maligayang pagdating ninyo at ng inyong anak!

Hakbang 1 – Hanapin ang inyong lokal na paaralan.

Hakbang 2 – Bisitahin ang inyong lokal na paaralan at dalhin ang mga sumusunod na dokumento:

  • Katibayan ng edad (sertipiko ng kapanganakan o pasaporte)
  • Katibayan ng tirahan (dalawang piraso ng pagkakakilanlan na nagpapakita ng tirahan, tulad ng isang bayarin ng telepono)
  • Katibayan ng pagbabakuna (isang kard na nagpapakita ng listahan ng mga bakunang natanggap ng inyong anak)
  • Pagtitiyak ng petsa ng pagdating, kung ang inyong anak ay hindi isinilang sa Canada. Ang mga pamilya na mga permanenteng residente at mga nagpapahayag ng pagiging mga takas o refugee claimants ay maaaring magparehistro nang direkta sa paaralan. Ang mga bata na walang katayuan sa imigrasyon ay tinatanggap sa aming mga paaralan at ang mga impormasyon tungkol sa kanila o sa kanilang mga pamilya ay hindi ibabahagi sa mga awtoridad ng imigrasyon. Upang magparehistro, mangyaring bisitahin ang Opisina ng Mga Internasyonal na Programa at Pagpasok (International Programs and Admissions Office) sa 5050 Yonge Street, Toronto, para sa isang  sulat ng pagpasok sa paaralan ng TDSB.

Pakitandaan: ang mga magulang o legal na tagapag-alaga lamang ang maaaring magparehistro sa isang bata para sa mga programa ng TDSB.

Karagdagang impormasyon

Bisitahin ang aming pahina ng Mga Link at mga Mapagkukunan ng Kindergarten (Kindergarten Links and Resources) upang higit pang malaman ang tungkol sa mga programa ng kindergarten ng TDSB, kabilang ang mga tips sa paghahanda ng inyong anak para sa paaralan.

Interesadong mag-apply  sa isang paaralang bukod sa itinalaga sa iyong tirahan? Basahin ang tungkol sa aming Opsyonal na Pagdalo (Optional Attendance).

Alamin ang tungkol sa aming mga programang Maagang Imersyon sa Pranses (Early French Immersion). 

Para sa mga tiyak na oras at petsa ng pagrerehistro, mangyaring makipag-ugnay sa inyong lokal na paaralan.

 

© 2014 Toronto District School Board  |  Terms of Use  |  CASL