Toronto District School Board
Toronto District School Board

Health and Physical Education Curriculum

Iniwastong Kurikulum ng Pangkalusugan at Pampisikal na Edukasyon

Noong Pebrero 2015, ang Ministri ng Edukasyon ay naglabas ng iniwastong kurikulum ng Pangkalusugan at Pampisikal na Edukasyon sa lahat ng mga lupon ng paaralan sa Ontario. Ang mga lupon ay kinakailangang isakatuparan ang kurikulum simula sa Setyembre 2015.

Ang kurikulum ay iniwasto upang tugunan ang mga kasalukuyang isyu na may kaugnayan sa kalusugan at kapakanan ng mag-aaral, at mas mahusay na sasalamin sa lumalaki at iba-ibang populasyon ng Ontario. Kabilang sa mga update ang impormasyon tungkol sa malusog na mga relasyon, pagpapahintulot, pangkaisipang kalusugan at kaligtasan online.

Ang TDSB ay nakatalaga sa tagumpay at kaligtasan ng bawat mag-aaral. Mahalaga na ang ating itinuturo sa ating mga paaralan ay bago, nauugnay at naaangkop sa edad upang makapagbigay tayo sa mga mag-aaral ng pinakamahusay na posibleng impormasyon upang makagawa ng maalam na mga desisyon tungkol sa kanilang kalusugan at kapakanan. Mahalaga din na ang kurikulum na ating itinuturo ay inklusibo sa ating iba-ibang populasyon ng mag-aaral at sumasalamin sa matagal na panahong pangako ng Lupon sa katarungan at inklusyon.

Ang karagdagang impormasyon tungkol sa paghahatid ng kurikulum ay ibabahagi sa mga magulang bago Setyembre 2015.

Samantala, ang mga magulang ay hinihikayat na basahin ang buong kurikulum at ang mga mapagkukunan para sa magulang, na makukuha sa Ministry website.

Kung kayo ay may karagdagang mga tanong tungkol sa nilalaman ng kurikulum, mangyaring kontakin ang Ministri ng Edukasyon sa 416-325-6870.

Mahalagang mga Katotohanan:

  • Tungkulin ng Ministri ng Edukasyon na bumuo ng kurikulum at tungkulin ng lupon ng paaralan na ito ay isakatuparan. Ang TDSB ay walang kontrol sa nilalaman ng kurikulum.
  • Ang mga kawani ng TDSB ay nakatalaga na ituro ang bagong kurikulum sa isang propesyunal at marespetong paraan na kapwa angkop sa paglaki at edad.
  • Ang buong kurikulum, mga patnubay para sa magulang at madaling mga katohanan ay maaaring ma-akses sa website ng Ministry of Education. Ang website ay naglalaman din ng mga link sa mga isinaling patnubay para sa magulang sa mga sumusunod na wika: Arabic, Chinese Simplified, Chinese Traditional, Farsi, Polish, Punjabi, Somali at Urdu.
© 2014 Toronto District School Board  |  Terms of Use  |  CASL