Toronto District School Board
Toronto District School Board

Governance/Trustees

Pamumuno/ Mga Tagapangasiwa

Sa Toronto District School Board (TDSB), dalawampu’t dalawang mga tagapangasiwa ang nahalal sa buong Toronto upang itaguyod ang kagalingan at mga nagawang pang-akademiko ng mga bata. Ang mga Tagapangasiwa ay nagbibigay ng isang mahalagang ugnayan sa pagitan ng mga lokal na komunidad ng Toronto at sa mga paaralan ng TDSB sa pamamagitan ng pakikpagtulungan sa mga magulang/mga tagapag-alaga at sa komunidad upang dalhin ang mga isyu at mga alalahanin sa Lupon para mapag-usapan at mapagpasyahan.

Kabilang din sa mga tungkulin ng mga tagapangasiwa ng TDSB ang:

  • Pag-aapruba ng budget ng TDSB;
  • Pagpapasya ng mga patakaran at mga pamamaraan na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng edukasyon para sa lahat ng mga mag-aaral;
  • Pagtitiyak ng mataas na mga pamantayan sa akademiko na makakamit para sa mga mag-aaral; at
  • Pakikipagtrabaho sa probinsyal na pamahalaan upang matiyak na ang Lupon ay nakakatugon sa mga legal at pinansiyal nitong obligasyon.

Maaari mong mas higit na alamin ang tungkol sa iyong lokal na tagapangasiwa sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang website o pagtawag sa kanila sa 416-395-8787.

© 2014 Toronto District School Board  |  Terms of Use  |  CASL