Toronto District School Board
Toronto District School Board

Elementary School

Paaralang Elementarya

Sa paaralang elementarya, ang iyong anak ay matututo ng mga kasanayan sa karunungang bumasa’t sumulat at pagbibilang na kailangan nila upang magtagumpay habang sila ay nasa paaralan at pagkatapos. Ang pagbubuo ng pundasyong ito sa mga mahahalagang bahagi habang sila ay nasa mga taon ng elementarya ay nagpapahintulot sa mga mag-aaral na magbukas ng kanilang buong kakayahan at tuklasin ang kanilang mga hilig.

Habang napakahalaga ang pag-aaral na nangyayari sa loob ng silid-aralan, ang elementarya ay tunay na kapana-panabik sa buhay ng isang bata dahil sa lahat ng mga bagong karanasan na makukuha sa labas ng silid-aralan. Maging ito man ay pagsali sa mga programa pagkatapos ng paaralan o paglalahok sa mga isport, maraming mga paraan para sa mga mag-aaral na makibahagi sa buhay-pampaaralan at masulit ang kanilang karanasan.

Napakahalaga ang tungkulin ng mga magulang sa mga panahong ito at nais naming siguraduhin na mayroon kayo ng lahat ng impormasyon na kailangan ninyo upang matiyak na makakamit ng inyong anak ang tagumpay. Ang aming mga tauhan sa inyong lokal na paaralan ay palaging nandito upang tumulong at sumagot ng anumang katanungan na mayroon kayo. Nais ninyong malaman kung paano kayo maaaring makasali? Kami ay bumuo ng ilang mga serye ng mga mapagkukunan upang gabayan kayo sa proseso.

© 2014 Toronto District School Board  |  Terms of Use  |  CASL