Toronto District School Board
Toronto District School Board

Online Code Of Conduct

Online Code of Conduct
(Alituntunin ng Kilos sa Online )

Ang Toronto District School Board (TDSB) ay nagbibigay ng mga sistema at mapagkukunan sa online para magamit ng mga tauhan at mga mag-aaral. Kabilang sa mapagkukunan sa online ang lahat ng mga materyales na makukuha sa pamamagitan ng isang kompyuter o network ng mga telekomunikasyon.

Lahat ng mga patakaran, pamamaraan, alituntunin ng pagkilos at tuntunin ng TDSB ay para sa mga gumagamit ng mga sistema at mga mapagkukunan sa online na ibinibigay ng o sa ngalan ng TDSB. Ang "Code of Online Conduct" (Alituntunin ng Kilos sa Online) ay tumutukoy sa paggamit ng mga sistema at mga mapagkukunan sa online. Itong Code (Alituntunin) na ito ay inihanda upang protektahan ang mga karapatan at kaligtasan ng lahat.

Ang TDSB ay gumagamit ng mga naaangkop na hakbang upang matiyak ang seguridad ng mga pasilidad at impormasyon na maaaring nakapaloob sa mga ito.  AngTDSB ay taglay na may karapatan na subaybayan ang paggamit ng mga online na mapagkukunan ng lahat na gumagamit ng mga sistema.

1) Mga Panuntunan sa Personal na Kaligtasan

  • Huwag kailanman ibunyag ang impormasyon tungkol sa iyong personal na pagkakakilanlan (tulad ng iyong pangalan, tirahan, numero ng telepono, edad, pisikal na larawan o paaralan) sa mga hindi kakilala na maaaring matagpo mo sa online. Gayundin, huwag ibunyag ang impormasyon na ito sa isang pampublikong pagtitipon sa online kung saan maaaring hindi mo kilala ang lahat ng maaaring makakita ng impormasyong ito.
  • Huwag kailanman ibunyag ang personal na impormasyon sa online tungkol sa ibang tao maliban lamang kung ikaw ay may paunang pahintulot nila at nalalaman mo na ang impormasyon ay hindi gagamitin para sa mga nakakapinsalang dahilan.
  • Huwag kailanman ibunyag ang password mo o kay sinuman.
  • Huwag kailanman magpadala ng litrato ng iyong sarili, ibang tao o grupo sa pamamagitan ng elektronikong network ng walang paunang kaalamang pahintulot sa lahat nga mga indibidwal na kasali at, sa kaso ng mga menor de edad, ng kanilang mga magulang o mga tagapag-alaga.
  • Ipagbigay-alam kaagad sa guro ang anumang mensahe o kahilingan na natanggap mo na na-abala sa iyo o na nagmumungkahi ng isang personal na kontak sa iyo.
  • Huwag kailanman ilagay ang mga tiyak na mga petsa, oras o lugar ng mga field trip sa mga tao na hindi direktang may karapatan sa impormasyong ito o sa mga pampublikong pagtitipon na maaaring may mga hindi kilalang tao na makakuha ng impormasyong ito.

2) Hindi Tinatanggap ng mga Site at mga  Materyales

Sa isang network na pandaigdigan na katulad ng Internet imposibleng kontrolin ng epektibo ang nilalaman ng impormasyon. Paminsan-minsan, ang mga gumagamit ng mga sistemang online ay maaaring makakatagpo ng materyales na kontrobersyal at ang mga ibang gumagamit, mga magulang o tauhan ay maaaring tingnan ito na hindi naaangkop o nakakasakit. Responsibilidad ng indibidwal na gumagamit na hindi sadyang gamitin itong  materyales. Kung hindi sinasadyang makita itong materyales, ang pangyayaring ito ay kailangang ipagbigay-alam kaagad sa guro o sa naaangkop na awtoridad.

Ang Toronto District School Board ay nakatuon sa pagtugon sa mga obligasyon sa ilalim ng Canadian Charter of Rights and Freedoms at ang Ontario Human Rights Code sa pagbibigay ng ligtas na mga paaralan at lugar ng trabaho na gumagalang sa mga karapatan ng bawat tao. Ang diskiriminasyon at panliligalig ay hindi pinapayagan. Hindi tinatanggap na sadyang gamitin ang mga sistemang online sa mga site na may mga materyales na naglalaman ng mga diskrimansyon o panliligalig na katangian.

Ang mga gumagamit ng mga sistemang Online ng TDSB ay hindi sadyang gagamit, i-upload, i-download, magtatago, magpapakita, ipamahagi o i-limbag ng anumang impormasyon na:

  • labag sa batas o nagtataguyod ng mga hindi legal na pagkilos o nagpapadali ng aktibidad na labag sa batas;
  • nagbabanta o nananakot sa sinuman o nagmumungkahi ng karahasan, pagkasuklam o diskriminasyon sa ibang tao;
  • gumagamit ng hindi naaangkop at/o mapang-abusong wika o pagkilos;
  • naglalaman ng hindi naaangkop na mga mensaheng pangrelihiyon o pampulitko;
  • lumalabag sa mga karapatan ng sinumang tao alinsunod sa patakaran ng Toronto District School Board, Ministry of Education, Ontario Human Rights Code, o ng Canadian Charter of Rights and Freedoms;
  • nakakasakit sa lahi, kultura o relihiyon;
  • naghihikayat ng paggamit ng mg kontroladong mga sangkap, pakikilahok sa mga ilegal na gawain o sa paggamit ng sistema upang mag-udyok ng mga kriminal na kilos;
  • ay isang mapanirang-puri, mapang-abuso, malaswa, bastos, pornograpiya o tahasang sekswal na kalikasan;
  • naglalaman ng personal na impormasyon, mga imahe, o mga pirma ng mga indibidwal na walang paunang kaalamang pahintulot;
  • bumubuo ng mga mensaheng panliligalig na sekswal o naglalaman ng hindi naaangkop na mga romantikong paghihiwatig;
  • humihingi ng mga gumagamit sa ngalan ng anumang negosyo o komersyal na organisasyon nang walang naaangkop na awtorisasyon;
  • sumusuporta sa bulk mail, junk mail o "spamming";
  • nagpapakalat ng mga chain na sulat, o ibang mga labing e-mail;
  • nagtatangkang magtago, magkaila o maling pangangatawan ang pagkakakilanlan ng nagpadala.

3) Gamitin ang Mga Patnubay

 Gagawin ng lahat ng mga gumagamit ng mga sistemang online ng TDSB ang mga sumusunod:

  • Panatilihin ang paggamit ng mga serbisyong online sa loob ng makatwirang limitasyon sa mga tuntunin ng oras at dami ng impormasyon na inilipat sa pamamagitan ng sistema. Ang labis na paggamit ng sistema ay maaaring magpaantala ng mga serbisyo para sa lahat ng mga gumagamit (hal. pagpapadala ng maramihang mga sulat ng malalaking mga dokumento o paglilipat ng mga malalaking file sa katuktukang oras ng paggamit ng sistema).
  • Pagbibigay-alam sa naaangkop na awtoridad ng anumang pinsala sa sistema o sa impormasyon sa sistema maging ang sanhi man ng pinsala ay hindi sinadya o sinadya.

4) Mga Ipinagbabawal na Paggamit at mga Aktibidad

Lahat ng mga gumagamit ng mga sistemang online ng TDSB ay hindi dapat gawin ang mga sumusunod:

  • Magkopya, i-download, i-install o magpatakbo ng mga virus o ibang hindi naaangkop o walang awtorisadong materyales katulad ng mga laro, mga file, mga script, mga font, o dynamic link libraries [dinamikang koneksyon ng mga aklatan] (DLL's) mula sa anumang pinagkukunan.
  • Maging sanhi ng pinsala sa anumang (mga) kompyuter at/o kagamitan kabilang ang, ngunit hindi limitado sa hardware ng kompyuter, kasangkapan, mga prodyektor, mga konektor, mga keyboard, mga aparatong imbakan (hal. mga disk drive), at ng aparatong pangturo (hal. mouse).
  • Sirain o burahin ang mga file o impormasyon na pag-aari ng sinumang tao nang walang pahintulot.
  • Gamitin ang akount ng ibang tao sa sistema.
  • Maging sanhi ng pagkawala ng paggamit sa sistema ng sinuman – halimbawa, sa hindi pagpapagana ng akount  o pagbabago ng password na walang awtorisasyon.
  • Pagbukas Magbukas ng isang lalagyan ng kompyuter, maglipat ng isang kompyuter, makialam sa mga kable ng kompyuter o mga koneksyon nang walang tamang awtorisasyon.
  • Magkabit ng mga aparato sa kompyuter o network nang walang awtorisasyon. Kasama ngunit hindi limitado sa nasabing mga aparato ay mga portable kompyuter, disk drive, protokol analyzer, at ibang mga elektroniko o mekaniko na aparato. Maglipat, magkopya, o magbago ng anuman sa mga file ng sistema o mga enggaste sa anumang kompyuter, server o ibang aparato nang walang tamang awtorisasyon.
  • Ikompromiso ang kanilang mga sarili o ibang tao sa pamamagitan ng hindi awtorisadong pagkopya ng impormasyon, trabaho o software na pag-aari ng iba, na naghihikayat sa iba na abusuhin ang mga kompyuter o network, nagpapakita, naglilipat o nagbabahagi ng mga di-angkop na mga materyales. Pagpirata ng software at hindi awtorisadong pagkopya ng mga materyales na pag-aari ng iba ay ituturing na pagnanakaw.
  • Kumopya, maglipat, gumamit ng mga file, programa o anumang impormasyon na pag-aari ng TDSB sa anumang dahilan maliban kung ang paglilisensiya ay tiyak na  nagpapahintulot ng gayong mga gawain.
  • Magtangkang mag-alis ng mga network ng TDSB sa hindi pagtupad ng mga hakbang na pangseguridad, pagkuha ng mga ulat na walang awtorisasyon o anumang uri ng panggagambala.
  • Kuhanin ang mga ideya, mga kasulatan o mga imahe ng iba at ipakita ang mga ito na para bang iyo. Sa ilalim ng batas ng karapatang magpalathala, ang lahat ng impormasyon ay nananatiling ari-arian ng (mga) tagagawa/(mga) may-akda at samakatuwid kailangan ng pahintulot para sa paggamit nito. Ang paggamit ng mga karapatang magpalathala ng materyales nang walang pahintulot ay maaaring magresulta sa legal na aksyon.

5) Mga Kinalabasan

Ang hindi naaangkop na paggamit ng pag-akses sa online ng mga mag-aaral at mga kawani ay maaaring magresulta sa disiplinaryong aksyon na maaaring kabilang ang legal na aksyon at/o pagkasangkot ng pulis.

6) Online na Paglilimbag

Ang mga impormasyon na inilimbag sa Internet o Intranet ay maaaring umabot sa milyun-milyong mga tao na halos hindi kilala ng orihinal na mga tagapaglathala. Sa dahilang ito, mahalagang kontrolin ang impormasyon na inilimbag sa pamamagitan ng mga pasilidad ng Toronto District School Board.

  • Ang elektronikong paglalathala ng impormasyon gamit ang mga pasilidad ng TDSB ay napapailalim sa lahat ng mga patakaran at mga alituntunin ng TDSB.
  • Mga link mula sa isang site ng Toronto District Board patungo sa labas na mga site ay dapat na maingat na piliin at napapailalim sa parehong mga pamantayan ng kalidad ng nilalaman katulad ng mga site ng TDSB.
  • Isang paraan sa pakikipag-ugnayan sa tagapaglathala ng ​​anumang koleksyon ng impormasyon (tulad ng isang Web site) ay dapat na malinaw na kilalanin sa pagbubukas ng screen ng koleksyon.
  • Ang impormasyon na inilathala sa online ay dapat panatilihing napapanahon at wasto na walang nalalamang pagtatangka na iligaw ang nagbabasa.
  • Hindi maaaring ilathala ang personal na impormasyon tulad ng mga personal na tirahan, mga numero ng telepono, mga indibidwal o mga larawan ng pangkat, o mga pirma nang walang malinaw na ipinahayag na pahintulot ayon sa mga pamamaraan ng TDSB.
  • Para sa kaligtasan ng aming mga mag-aaral, ang mga paaralan o mga kagawaran ay HINDI dapat ilathala ang mga tiyak na mga petsa, oras at lokasyon ng mga hinaharap na field trip.
  • Ang mga naaangkop na paaralan o namamahala ng departamento ay may responsibilidad na tiyakin na lahat ng mga inilathalang gawain ay orihinal o pinahintulatan ng maylikha na i-kopirayt at ang maylikha ng kopirayt ay malinaw ipinahiwatig.
  • Ang pagpapatalastas ng anumang elektronikong paglilimbang ng TDSB ay napapailalim sa pagpapahintulot ng naaangkop na opisyal na namamahala.
  • Lahat ng pahina ng Web na nakapaskil sa Internet ay kinakailangan na kadugtong sa opisyal na sentrong site ng Toronto District School Board.
  • Lahat ng pahina ng Web nakalagay sa TDSB corporate site o binayaran ng TDSB ay itinuturing ari-arian ng TDSB.

7) Pananagutan

Ang Toronto District School Board (Lupon ng Toronto Distrito ng Paaralan) ay hindi nagbibigay ng mga garantiya ng anumang uri, ipinahayag o ipinahiwatig, tungkol sa kanyang mga serbisyo sa online o mapagkukunan, sa pagpapatuloy ng operasyon ng mga serbisyong ito, ang mga kagamitan at pasilidad na ginamit at ang kanilang mga kakayahan, o ang pagiging angkop, kakayahang mapatakbo at kaligtasan ng anumang programa o file na nakalagay sa mga sistema ng TDSB para sa anumang sinadyang hangarin.

 

© 2014 Toronto District School Board  |  Terms of Use  |  CASL