Mga Bagong Dating
Maligayang Pagdating sa Canada! Ang TDSB ay isang magkakaibang Lupon at kami ay malugod na tumatanggap ng libu-libong mga bagong mag-aaral – ng lahat ng edad – sa aming paaralan bawa’t taon.
Ang mga mag-aaral sa elementarya at high school ay matututo tungkol sa iba’t ibang mga kultura, magkakaroon ng mga bagong pagtingin at makakatagpo ng mga bagong kaibigan habang nagkakaroon ng mataas-na-kalidad na edukasyon. Kami ay nag-aalok ng ilang mga programa sa pagpapayo at ang aming mga tauhan ay laging nakahandang magbigay ng gabay at suporta.
Para sa mga adulto, kami ay nag-aalok ng mga serbisyo sa interpretasyon at pagsasalin sa mahigit sa dalawampu’t-limang mga wika, sa pagtatrabaho at pagpapalano ng karera, pagpapaunlad ng kadalubhasaan, pagsasanay sa pag-aaprentis, pagtuturo ng wika at pagsasanay sa pagpapataas at pagdadalubhasa ng wika.