Toronto District School Board
Toronto District School Board

Home Tips

Kindergarten

sa TDSB

Mga Tip sa Tahanan: Paghahanda para sa Paaralan

Ang pagsisimulang mag-aral ay isang masayang panahon at ito ay kumakatawan sa isa sa maraming mga una para sa inyong anak. Sa Toronto District School Board, tinutulungan ng mga guro ang bawat bata upang matiyak na sila ay magtagumpay sa paaralan.

Maraming bagay ang maaari ninyong magawa sa bahay upang makatulong na gawing positibo at kaganti-gantimpalang karanasan ang pagsisimulang mag-aral. Sa pamamagitan ng paghihimok sa inyong anak na sumubok ng mga bagong aktibidad at mga karanasan, pagtatanong at pagsagot ng mga tanong, kayo ay tumutulong sa pagkakaroon ng isang solidong pundasyon para sa tagumpay sa paaralan.

Bago dumating ang unang araw ng pasukan maggugol ng panahon upang samahan ang inyong anak sa paaralan upang maging pamilyar ang ruta patungo sa paaralan, ang gusali, at ang mga paligid.


Narito ang ilang mga mungkahi na makakatulong para makapaghanda  sa karanasan sa paaralan...


 Sa Paaralan Ang Mga Bata Ay: Sa Tahanan Maaari Ninyong: 
 Makakatagpo ng mga bagong tao at mga sitwasyon.   Isangkot ang inyong anak sa mga bagong sitwasyon kung saan sila ay makakatagpo ng mga bagong tao (hal., pagbisita sa isa sa aming TDSB Parenting and Family Literacy Centreso pumunta sa aklatan para sa oras ng pagbabasa ng kuwento).
 Magpapahayag ng kanilang mga pangangailangan sa ibang mga bata at mga nakatatanda.   Himukin ang inyong anak na gumamit ng wika upang ipaalam ang kaniyang mga pangangailangan (hal., pagpunta sa kubeta, pagkuha ng inumin) at lumutas ng mga problema (hal., kapag nagbabahagi sa iba).
 Magbibihis ng sarili nila para paglalaro sa labas at para sa pag-uwi sa bahay.  Himukin ang inyong anak na magsuot ng damit nangmag-isa (hal., dyaket, mga bota o pantalon para sa snow).
 Pagpapasya (hal., mga aktibidad sa loob ng klase, mga materyales na gagamitin).  Tulungan ang inyong anak na magpasya (hal., aling damit ang isusuot, mga aktibidad na gagawin).
 Makipaghati ng mga kagamitan at espasyo kasama ng ibang mga bata.  Bigyan ang inyong anak ng mga pagkakataon na makisama sa ibang mga bata, magbahagi, at maghintay ng kanilang pagkakataon.
 Matututo ng mga kinagawian sa silid-aralan at paaralan. Magsisimula silang magkaroon ng mga tungkulin sa kagamitan at sa kanilang mga pag-aari.  Himukin ang inyong anak na makinig sa mga direksyon at gawin ang mga inaasahan. Tulungan ang inyong anak na tumanggap ng responsibilidad (hal., sa pagtatabi ng mga sariling laruan at mga pag-aari ).
 Makikinig sa mga kuwento, mga tula, at impormasyon.Titingnan nila, mag-usap tungkol sa, at magbabasa ng mga aklat na mag-isa at kasama ang iba.  Magkukuwento, tutula, at kakanta sa sarili ninyong wika. Basahan ang inyong anak at pag-usapan ang tungkol sa mga larawan, mga ideya, at mga salita. Ituro ang mga senyales, mga salita at mga numero sa bahay at komunidad. Magkasamang bisitahin ang aklatan.
 Makakakita ng mga nakatatanda at ibang mga bata na sumusulat para sa ibat-ibang dahilan. Sila ay gagamit ng mga materyales na gaya ng mga krayola, mga marker, at mga lapis para sa pagguhit at pagsusulat ng kanilang mga ideya.  Isangkot ang inyong anak sa pagguhit at pagsusulat sa mga pang-araw-araw na mga gawain sa bahay (hal., paggawa ng mga kard, pagpirma ng inyong pangalan, pagguhit ng mga larawan). Purihin ang mga pagsusubok ng inyong anak na gumuhit at magsulat. Mag-usap tungkol sa pangalan ng inyong anak at ang mga letrang nandoon.
 Gagalugad ng kalikasan sa mundong nakapaligid sa kanila at mag-uusap tungkol sa kanilang nakikita at natututunan.  Kausapin ang inyong anak tungkol sa mga bagay na nakikita ninyo at naririnig sa labas at sa mga paglalakad sa komunidad. Ituro ang mga bagay (hal., mga pagbabago sa klima, sa mga panahon o mga lugar).
 Matututo tungkol sa mga numero, mga hugis, mga huwaran, pagtatantiya, at pagsusukat. Sila ay mag-uusap tungkol sa kanilang mga ideya at kung ano ang kanilang mga natututunan.  Pag-usapan ang tungkol sa mga numero, mga hugis at mga huwaran sa bahay at sa labas. Magkasamang maglaro ng mga laro (pagtutugma-tugma at pagbibilang, mga kard, simpleng mga board game). Kung nagluluto, hayaang tumulong ang inyong anak sa pagsusukat ng mga sangkap. Isangkot ang inyong anak sa pagbubukod-bukod (hal., mga laruan, mga damit, pagtatabi ng mga groseri).
 Gagawa ng sining, magsisiyasat at gagamit ng mga materyales ng sining, gagawa ng mga istruktura, makikibahagi sa musika, drama at mga gawain kung saan kikilos sila.  Himukin ang imahinasyon at pagkamasining ng inyong anak sa pamamagitan ng pagguhit, pagbubuo, pagkanta, paggalaw sa musika, at pag-arte ng mga kuwento.
 Gagamit ng iba’t-ibang mga materyales at kagamitan upang madebelop ang malalaki at maliliit na mga muscle.  Bigyan ng mga pagkakataon ang inyong anak na mag-ehersisyo at gumamit ng malalakingmuscle (hal., pagtakbo, pag-akyat, paglalaro ng bola) at maliliit na mga muscle (hal., paggamit ng mga krayola o mga marker, playdough, mga puzzle o mga laruan na may mga pirasong magkakatugma).

Kayo ang pinakamahalagang guro ng inyong anak.

Ang Toronto District School Board ay umaasang makipagtulungan sa inyo at sa inyong anak sa susunod na taon ng pasukan at sa marami pang mga tao na darating.

© 2014 Toronto District School Board  |  Terms of Use  |  CASL