Toronto District School Board
Toronto District School Board

French Programs

Mga Programang Pranses

Ang pag-aaral ng ikalawang wika ay isang kalamangan para sinumang mag-aaral at isang pangunahing kadahilanan ng isang akademikong tagumpay. Ang ikalawang wika ay nagpapahusay ng pangkahalatang kakayahan sa pag-aaral, pagpapalawak ng mga pagkakataon ng karera, nagtataguyod ng pag-uunawaan sa mga kultura, at lumilikha ng mga maraming-wikang mamamayan sa mundo. Ang TDSB ay nag-aalok ng iba’t ibang French as a Second Language Programs (Mga Programang Pranses bilang Ikalawang Wika) sa elementarya at haiskul.

Ang Core French (Panimula sa Pranses) ay iniaalok sa lahat ng mga mag-aaral ng 40 minuto isang araw mula sa baitang 4hanggang 8 at patuloy sa haiskul mula sa baitang 9 hanggang 12. Ang mga mag-aaral ay nangangailangan ng isang kredito ng French as a Second Language (Pranses bilang Ikalawang Wika) sa baitang 9 para sa kanilang haiskul diploma.

Mayroong dalawang mga uri ng masidhing mga programa ng Pranses: French Immersion at Extended French. Kapwa mga programa ay dinisenyo upang bigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataon na matuto ng Pranses, hindi lamang bilang isang programa ng wika ngunit sa pamamagitan din ng pagtuturo ng ibang mga paksa sa wikang Pranses.

Maghanap ng Mga Programang Pranses

© 2014 Toronto District School Board  |  Terms of Use  |  CASL