Toronto District School Board
Toronto District School Board

Caring and Safe Schools

Mapagkalinga at Ligtas na mga Paaralan

Ang TDSB ay nakatalagang gumawa ng mga kapaligiran ng pag-aaral sa mga paaralan na mapagkalinga, ligtas, mapayapa, mapag-aruga, positibo, marespeto at nagbibigay-kakayahan sa lahat ng mga mag-aaral na marating ang kanilang lubos na potensyal.

Kapag ang isang paaralan ay may isang positibong klima, ang lahat ng mga myembro ng komunidad ng paaralan ay nakakadamang ligtas, kasali, tanggap at aktibong nagtataguyod ng positibong mga pag-uugali at mga pakikitungo sa bawat isa. Bawat ikalawang taon, ang ating Lupon ay nagsasagawa ng Mga Pagsusuri ng Klima sa Paaralan sa ating mga paaralan upang direktang makinig sa mga mag-aaral, kawani ng paaralan at mga magulang tungkol sa kanilang klima sa paaralan. Ang mga resulta ng pagsusuri ay nagpapahintulot sa atin na makagawa ng maalam na mga desisyon sa pagpaplano tungkol sa mga programa upang makatulong na mapigilan ang pangbu-bully at magtaguyod ng ligtas at inklusibong mga paaralan.

Para matulungang makabuo ng mga positibong kapaligiran sa paaralan, tayo ay may ilang mga programang pampigil at mga inisyatibo para sa mapagkalinga at ligtas na mga paaralan. Upang higit na malaman, mangyaring basahin ang tungkol sa mga programang pampigil na aming ibinibigay.

Lahat ng ating mga mag-aaral ay ginagabayan ng Kodigo ng Pag-uugali ng Lupon at inaaasahang magpakita ng respeto para sa mga karapatang pantao at katarungang panlipunan.

Mas Higit na Alamin

Basahin ang Ulat ng Ligtas na Paaralan at Nakikilahok na mga Komunidad na gumawa ng ilang mga rekomendasyon tungkol sa kung paano maaaring tumugon at maging bago ang TDSB upang pinakamahusay na masuportahan ang kaligtasan at pangangalaga para sa lahat ng mga mag-aaral at kawani, pareho bago at pagkatapos ng mga kritikal na insidente. Ang mga Kawani ay magbibigay ng isang tugon sa mga rekomendasyong ito sa Taglagas ng 2015.

Bawat taon ang ikalawa at ikatlong mga linggo ng Setyembre ay Mga Linggo ng Mapagkalinga at Ligtas na mga Paaralan sa TDSB. Sa panahong ito ang mga paaralan ay magbibigay-tuon sa mga inisyatiba na nagtataguyod ng isang positibong klima sa paaralan at ipagdiriwang ang katangi-tanging mga pakikipagtulungan at mga programa na nagtataguyod ng pagkakasundo at respeto sa ating mga paaralan.

Bisitahin ang Pagpigil sa Karahasang Batay sa Kasarian o Makatarungan at Inklusibong mga Paaralan para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano tayo maaaring makapagtrabahong magkakasama upang itaguyod ang positibong malusog na mga relasyon sa ating mga paaralan.

Nais na malaman kung paano maaaring makasali sa isang Komite ng Mapagkalinga at Ligtas na mga Paaralan ?Mangyaring makipag-usap sa iyong punong-guro.

Basahin ang mga patakaran at mga pamamaraanna nauukol sa pagbuo ng mapagkalinga at ligtas na mga paaralan sa TDSB. O basahin ang aming Taunang Ulat ng Mapagkalinga at Ligtas na mga Paaralan upang malaman kung paano gumagana ang aming mga programa.

Ikaw ba ay naghahanap ng impormasyon tungkol sa aming mga pamamaraan ng pagsususpinde at pagpapaalis? Mangyaring bisitahin ang aming seksyon ng mga patakaran at mga pamamaraan.

Mayroong mga alalahanin o mga tanong? Mangyaring sumangguni sa aming Protokol para sa Alalahanin ng Magulang, makipag-usap sa punong-guro o tagapayo o kontakin ang isang myembro ng aming Pangkat ng Mapagkalinga at Ligtas na mga Paaralan.

© 2014 Toronto District School Board  |  Terms of Use  |  CASL